Tuesday, June 16, 2009

Simple Image / Soviet

Ang naririnig mong background music ay ang sound track ng buhay ko at ng mangilan ngilan na taong tinatawag kong kaibigan, tropa, pare, dude, tsong , kups, negs at kung ano ano pa. Ito ang mga kantang nagsilbing saksi sa samahan naming nabuo sa ibabaw ng entabladong aming sinasayawan tuwing, my program sa school, pag may pabinggo, pag may pa quiz bee, pag may batch reunion, pag may awarding, pag break, pag computer lab at pag birday ni brother Al ^_^ . Di maipaliwanag na saya ang kumikiliti sa aking buong katawan pag dumarating ang isang kapwa istudyante, kakatok sa pinto ng classroom, puputulin sa pag sasalita ang nag lelecture na teacher at babangitin ang linyang tila musikang naririnig ko pa din hanggang ngayon. "Mam , Paki excuse lang po kay Aleks, may praktis po kasi sila, meron silang dance no. sa darating na Ginoong kalikasan". Dahan dahang tatayo habang nag titinginan ang mga classmate "Swerte ni Aleks nakatakas nanaman sa Geometry " marahil un ang nasa isip nila habang lumalabas ako ng room bitbit ang bag. Sabay papipirmahan ang kapirasong papel na nag papatunay na ako ay pwede ng lumaboy laboy sa campus ng may basbas ng mga otoridad, in short CUTTING WITH PERMIT. Yan ang tawag ng grupo sa papel na magsisilbing katibayan pag ako ay hinanap ng mga teacher na hindi updated sa hapenings. Sa liblib na lugar na kinamumugaran ng mga CAT officers ang una naming distinasyon at ang susi sa matagumpay na dance no. namen , alam nyo ba kung sino ?. Malamang hindi , dahil iilang tao lang ang nakakakilala sa kanya. Siya si mang ROD at samin lang siya nag papakita . . . AHAHAHA parang ispirito lang. Siya ang dakilang audio/technician ng school. (Asan na kaya siya ngaun).
Sa 4th floor ng centinial building, sa tapat ng library, sa tapat ng computer lab, at sa canteen. Dun kame madalas nag lalage, sa tancha ko mas matagal pa nga yata ang inilagi ko sa labas ng room kaysa sa loob pero pumapasa pa din kame, syempre dahil lahat kame matalino. WAG KANG TUMAWA TOTOO YUN ! . at syempre marami din kameng napapa ibig dahil sa aming alindog at gandang lalake. YAN PAPAYAGAN KITANG TUMAWA DYAN ^_^ . . .
Sa bawat pihit at hakbang, sa bawat ikot at galaw, sabawat bilang ng 5,6,7,8 !, Sabay sabay nabuo at tumibay ang samahan ng mga batang magkakapatid na ang turingan. Kaya mga tol ang POST kong to ay para . . . . . . .

Sa kaibigan kong may ari ng bahay na pinag papraktisan namen after class, sa laki nya mag tataka ka kung pano pa sya nakaka kembot, pag nag lalakad prang goon sa pelikula ang dating pero pag nakasama mo lintik ang harot, pag nasalubong nyo siya magtakip kayo ng utong dahil pipisilin nya yan ng bonggang bongga ^_^ . Isang patunay na di lahat ng KALBO masamang tao.

Sa kaibigan kong taga San Juan na tinuruan kame mang bato ng binalot na tubig sa mga dumaraang tao tuwing fiesta sa kanila. chinito ang dating kaya ang lakas ng hatak sa mga chickas lalo na sa mga kinse anyos pa baba. ^_^

Sa kaibigan kong dati naming kalaban sa stage na may alagang ALUPIHAN, mabait na kaibigan at mabait din na kaaway ^_^ , masipag at maaasahan, madaling lapitan pero mahirap hanapin lalo na pag gabi ^_^, (this is how we do it, everybody move it, from the left to the right, thats the way you do it. . .)

Sa kaibigan kong nag print ng wrong spelling na COMPETITION, nag turo saken ng meaning ng prism sa C.R. ( di ko yon malilimutan, kasi yon lang ang sagot kong tumama sa quiz namen sa science non). silent killer sa mga chicks at supplier ng chicken nuggets tuwing break.

Sa kaibigan kong grabe mag project pag sumasayaw, parang sumasayaw na parang hindi naman at 40% ng girls sa crowd siya ang tinitilian, ung iba pangalan ko sinisigaw ^_^ .

Sa kaibigan kong Android na dahil sa sobrang lupit mag basketbol, binakalan ang tuhod. pag sumasayaw din parang binakalan ang bewang pro bibilib ka dahil halos lahat ng steps na nagawa namen tanda nya pa din .

Sa kaibigan kong RCGC ang tawag sa kulay green na bus habang nag hihintay ng masasakyan papuntang dance contest sa San Juan, madalas ang mood swing, isa ding kilabot ng mga babes, lalo na ng mga 2nd year, may attitude problem daw sya sabi ng iba, pero para lang sa mga di marunong umunawa,
malakas daw ang dating dahil may itsura pero alam ko at alam nya na pangalawa lang siya saken HAHAHAAH! ( Sya nga pala balita ko marami ka daw dinaramdam saken, dami ko na miss di ko lang napansin kasi naghahabol ako , pero ng makita ko anak mo, dun ko na realize , XET ang dami nga . . . . )

Sa kaibigan kong kumpare ko pa, partners in crime ang bansag. walang kundisyon kung magturingan, kagat labi pa pag napapasarap mag sayaw, baba ng building pra mag volleyball, aakyat ng 4th floor pra mag sayaw, kung anong meron ka gusto mo meron din ako. ramdam ko yon tol kaya SALAMAT kaibigan ko.

Sa kaibigan kong napakalaki ng impluwensyang ibinigay saken, nag mulat saken gumamit ng PC, nag turo saken ng cheats ng starcraft, nag pakain saken ng luckyme PLAINCHILIMANSI flavor, pano kumilatis ng gurlaloo, nanghawa saken ng sense of humor, hanggang sa pag pili ng movie Genre at basketball moves.

At pra sa kaibigan din namen na dinikitan ng mukha ni GRINGO sticker sa likod habang nag hihintay ng bus pauwi galing San Juan.

kayo ang dahilan at na hubog kung ano at sino ako ngayon, kayo ang nag bilang ng 5,6,7,8, saken para maka sabay ako sa beat ng bawat pagsubok, kayo ang nag turo saken humakbang, tumalon, sumipa, umikot at kumembot ng nasa chempo sa tugtugin ng buhay na sinasayaw ko pa din hanggang ngayon kaya SALAMAT mga tol . KAYO ANG CHOREOGRAPHER NG BUHAY KO. . . . . . .

No comments:

Post a Comment